Paano ko gagamitin ang Google Tone?
Upang mag-broadcast ng URL gamit ang Google Tone:
- Mag-log in sa iyong Google account.
- Mag-click sa icon ng Google Tone sa iyong Chrome browser habang nasa web page na gusto mong i-broadcast.
Bakit ang Google Tone?
Nakakatulong ang Google Tone sa mga computer na makipag-ugnayan tulad ng ginagawa natin—sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isa't isa. Isa itong extension ng browser na nagbibigay-daan sa Chrome na gamitin ang mga speaker ng iyong computer upang makagawa ng espesyal na natatanging tunog para matukoy ng iba pang mga mikropono ng mga computer bilang isang URL.
Paano gumagana ang Google Tone?
Ino-on ng Google Tone ang mikropono ng iyong computer (habang naka-on ang extension). Pansamantalang nag-iimbak ang Google Tone ng URL sa mga server ng Google at ginagamit ang mga speaker at mikropono ng iyong computer upang ipadala ito sa mga kalapit na computer na nakakonekta sa Internet. Ang anumang computer na napakalapit na may naka-install at naka-on din na extension ng Google Tone ay makakatanggap ng notification sa Google Tone. Ipapakita ng notification ang URL kasama ang iyong pangalan at larawan sa Google.
Upang makatanggap ng URL sa Google Tone, kailangang i-on ng Chrome ang iyong mikropono. Maaaring hindi gumana ang Google Tone sa mga maingay na lugar, sa malayo, na may mahinang koneksyon sa Internet o kaya sa mga computer na walang mikropono o may mikroponong walang kakayahang matukoy ang pag-broadcast ng tunog ng Google Tone.
Paano ginagamit ng Google Tone ang aking data?
Kumukuha ang Google Tone ng anonymous na data sa paggamit alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.
Paano ko ito io-on at io-off?
Upang i-on at i-off ang Google Tone (kasama ang mikropono), pumunta sa mga setting ng extension ng Chrome.
Secure ba ito?
Mga URL lang ang bino-broadcast ng Google Tone, upang hindi awtomatikong magkaroon ng access ang mga tatanggap sa isang page na karaniwang wala silang access. Halimbawa, kung ibo-broadcast mo ang URL ng iyong inbox sa Gmail, mapo-prompt ang mga tatanggap na magki-click sa notification sa Google Tone na mag-log in sa kanilang Gmail. Gayunpaman, idinisenyong pampubliko ang mga pag-broadcast ng Google Tone, kaya dapat ay hindi gamitin ang mga ito upang makipagpalitan ng kumpidensyal na impormasyon.